Dinogshow ng mga netizen ang Instagram post ng dating Hashtags member Nikko Natividad kung saan ginaya niya si Zoro, isa sa mga karakter ng “One Piece”.

Sa caption ng kaniyang post, panis umano ang green hair ni Zoro sa kaniyang pagiging green minded.

“Ayoko na lang magsalita. Pero panis ang green hair ni zorro sa pagiging “GREENMINDED” ko,” pahayag ng aktor sa kaniyang post.

Eleksyon

Ex-Pres. Rodrigo Duterte, tatakbong mayor sa Davao City; ayaw tumakbong senador?

Umani naman ng mga nakakatuwa at nakakatawang komento ang nasabing picture ni Nikko:

“pogi ni Zonrox 😍😍😍🤣 Zoro pala ✌️🤣”

“Zoro na naka kagayaku”

"Ngayon ko lang po talaga pinagarap making bulag😂"

"Bakit naging Zurot😂😂😂😂"

"Ayan na naman siya! 😂 di na talaga kao makakapanuod ng matiwasay nito 😂"

"Huyy baka mawalan ka IG nyan 😭😆"

Matatandaang nag-post na rin si Nikko kamakailan ng kuhang larawan ni Zoro mula sa screen ng TV sabay tanong sa caption kung sino raw ang kamukha ng nasabing karakter. Nauna na iyong dumugin ng mga netizen.

Sey pa nga ng isa, ‘wag daw sirain si Zoro sa kanilang imahinasyon.