Inamin ng dating child star na si Bugoy Cariño na naapektuhan nang husto ang kaniyang mga nakalinyang proyekto at endorsements nang maging batang ama siya, sa kasagsagan ng kaniyang career.

Sa naging panayam sa kaniya ng press para sa pelikulang "Huling Sayaw" katambal si Belle Mariano, nauntag si Bugoy kung somehow, nakararamdam siya ng panghihinayang sa kaniyang showbiz career, dahil ang mga kasabayan niyang sina Zaijian Jaranilla at Xyriel Manabat ay nariyan pa rin hanggang ngayon at tuloy-tuloy ang proyekto.

Nang pumutok ang balitang magkaka-baby na sila ng jowang volleyball player na si EJ Laure.

Ani Bugoy, noong una raw ay sobra siyang nanghinayang dahil maraming nawalang proyekto, sponsors, at endorsements sa kaniya.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Sa kabilang banda, masaya naman daw siya sa pag-alagwa ng career nina Zaijian at Xyriel na magkasama ngayon sa bagong serye ng ABS-CBN na "Senior High."

Nang lumabas na raw ang baby nila ni EJ ay nawala na rin ang mga panghihinayang niya.

"Parang sabi ko, ito yung pinakablessing na ibinigay sa akin ni God," ani Bugoy.

"Ito yung kapalit, so parang ngayon, sobrang saya ko sa buhay."

Samantala, nakarating na rin sa kaalaman ni Bugoy ang isyung hindi raw niya makakasama sa promotion ang katambal sa pelikula na si Belle Mariano, hindi dahil sa ayaw nito, kundi hindi na napayagan dahil sa hectic schedule nito ngayon.