Humakot ng libo-libong reactions at likes ang Facebook post ng Filipino-born Swedish fashion blogger and socialite na si Bryanboy.

Sa larawan, makikitang kasama niyang umawra ang mga celebrity na sina Pia Wurtzbach, Liza Soberano, Bretman Rock, Bea Alonzo, Kim Han-bin, Nadine Lustre at Anne Curtis. 

Hello Philippines!! Qualified ba po kami sa Potato Corner? Love from Pia, Liza, Bretman, Bea, Hanbin, Nadine, Anne and me,” saad ni Bryan Boy sa naturang Facebook post.

Ang naturang larawan ay kuha sa ginanap na Vogue Philippines’ first anniversary gala night, Agosto 29.

National

Painting ni Amorsolo sa private museum sa NegOcc, ninakaw!

Umami ng iba’t ibang reaksyon ang kanilang larawan:

“Wow nagsama-sama ang mga magaganda..Standout talaga si Ninang”

“Elegance at its finest”

“Naku Ninang Bryanboy bilhin mo na Potato Corner”

hahaah.. pasadong pasado po.. dun dw po sa uk branch ng potato corner..”

“Buset tapos mag apply ng potato corner eme baka bilin ang potato corner”

“Over qualified naman madam, hahaha masyado nyo po ginalingan”

“sila Ang Hindi quelified sa inyo hihi”

Matatandaang naging usap-usapan kamakailan sa iba’t ibang social media ang Potato Corner dahil sa tila mataas na standard ng criteria and qualification na hinahanap nila sa sa isang service crew.