Naaliw at cute na cute ang mga netizen sa Facebook post ng isang cat owner matapos niyang ipakita ang litrato ng kaniyang alagang itim na pusang may mabibilog na mata, na parang bang maihahambing daw sa isang tarsier.

Ang tarsier, ay isang maliit na primate animal na may malalaking mata, at kadalasang nakikita sa mga lalawigan ng Bohol, Samar, at Leyte.

"Minsan napa isip ako kung tarsier ba itong itim na pusa ko," caption ng uploader at cat owner na si John Ray Nuñez Estañol sa cat lovers group na "CAT & KITTENS Philippines."

Photo courtesy: John Ray Nuñez Estañol's FB

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Bukod sa kaniyang alagang mukhang tarsier, makikita rin sa social media posts ng uploader na talagang mahilig siya sa pag-aalaga ng mga pusa bilang pet.

---

Nais mo bang mai-feature ang iyong storya o ‘di kaya mayroon kang larawan at video na gusto mong i-share? I-message mo lang kami sa aming Facebook at Twitter!