Sinibak na si Negros Oriental 3rd District Rep. Arnolfo "Arnie" Teves, Jr. sa Kamara dahil sa mga paglabag nito.

Tinanggal si Teves sa botong 265-0, at sa rekomendasyon ng House Committee on Ethics and Privileges.

Sa  Committee  Report, binanggit na nilabag ni Teves ang kanyang sinumpaang tungkulin, bukod pa ang ipinakitang hindi magandang pag-uugali.

National

Nancy Binay, nilinaw na 'di kaaway ang kapatid na si Abby: 'Pamilya pa rin kami!'

Idinahilan din ang patuloy na pag-a-apply nito ng political asylum sa Timor-Leste at ang mahabang pagliban na katumbas ng pag-abandona ng kanyang trabaho.

Matatandaang hindi na pumasok sa trabaho si Teves matapos lumabas ng bansa ilang araw bago patayin si Negros Oriental Governor Roel Degamo sa Pamplona noong Marso 4.

Itinuturo si Teves bilang mastermind sa pagpatay kay Degamo. Gayunman, ilang beses na niya itong itinanggi.