Binalaan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang publiko laban sa pekeng Facebook page na naglalabas ng mga maling impormasyon hinggil sa programa ng ahensya.

National

Nancy Binay, nilinaw na 'di kaaway ang kapatid na si Abby: 'Pamilya pa rin kami!'

Sa social media post ng ahensya, nilinaw nito na peke ang FB page na "DSWD educational cash assistance" at wala itong kaugnayan sa DSWD.

"Ang naturang page ay gumagamit ng identidad ng DSWD nang walang pahintulot at nagpapakalat ng mga misleading content tungkol sa programa at serbisyo ng kagawaran," anang DSWD.

Nanawagan din ang ahensya sa publiko na i-report sa mga awtoridad at sa ahensya sakaling makatanggap ng kahalintulad na impormasyon.