Camp Marcelo A. Adduru, Tuguegarao City — Handa na ang Police Regional Office-2 (Cagayan Valley) sa ikalawang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. sa darating na Lunes, Hulyo 24.

Sinabi ni Police Col. Jovencio S. Badua, deputy regional director operations, na ang lahat ng mga hakbang para sa SONA ngayong taon ay handa. 

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog

Bilang paghahanda, nag-deploy sila ng sapat na bilang ng mga tauhan sa rehiyon, pagkakaroon ng standby support forces, kahandaan sa sapat na logistical equipment, at proactive and reactive interventions para sa posibleng pagpupulong ng mga sectoral groups. 

Sinabi rin ni Badua na ang linya ng komunikasyon mula sa top command hanggang sa lower units ay malinaw at isinaayos na rin.