Ibinahagi ni Heaven Peralejo sa kaniyang Instagram post kahapon ng Martes, Hunyo 27, 2023 ang video teaser ng kaniyang photoshoot na tila may nilulutong malaking proyekto para sa kaniya.

Swak na swak naman talaga umano ang naging pangalan ni Heaven sa mala-anghel nitong angking-ganda na hindi rin maiwasang mapansin ng netizens sa nasabing video teaser.

“Something big is in the works 🧚🏻‍♂️✨” mababasang caption sa Instagram post ni Heaven.

Bumuhos naman ng mga komento mula sa kaniyang followers patungkol sa ganda ng aktres, at excited na rin sa kaniyang susunod na proyekto.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

“HONG GONDO!!! 💜💜💜”

“wow! I love this 😍😍😍”

“Ang expensive ikaw na ngayon ang dyosa nmin”

“Wow you look beautiful expensive ❤️”

“gandamuch! 😭🩵”

“SLAY GIRL🔥🔥🔥”

“Beautiful 😍😍”

Matatandaang nakilala si Heaven bilang "Mommy's Angel ng Makati" nang maging isa sa mga housemates sa “Pinoy Big Brother Lucky Season 7” noong Agosto 2016. 

Patuloy pa rin namang napanood si Heaven at ang leading man nitong si Marco Gallo, sa TV mini series na “The Rain in España” na napanonood sa Viva One.