Usap-usapan na nga ang pag-landing ng sexy Kapamilya actress-model na si Chie Filomeno sa Instagram account ng Kapamilya actor-model na si Jake Cuenca, bagay na kinakiligan naman ng kanilang mga kasamahang celebrities at fans.

Black and white magazine photo ang unang larawan ni Chie at Jake sa IG ng aktor. Kaniya-kaniya namang react ang ilang tropa sa showbiz kasunod ng viral nang photo.

So, IG official na nga ba? Chie Filomeno, nag-landing na sa IG ni Jake Cuenca

Mas lalo pang kinakiligan ang nakalagay na caption dito.

"If you never shoot you'll never know," ani Jake kalakip ang litrato nila mula sa Metro Body 2023.

Isa sa mga celebrity na napakomento rito at talagang gumatong ay ang mister ni Angel Locsin na si Neil Arce.

Kamakailan, rekta nang sinabi ng aktor na bet niya talaga si Chie.

“I’m admiring her. I guess I can say that,” sey ni Jake.

"She knew that I admire her. Before anything, like it’s just, very ano lang. We’ve known each other for a while and we’re enjoying each other’s company.”

Matagal nang naisyu ang palagiang "pagpapaapoy" ni Jake sa mga sexy IG posts ni Chie kaya hindi na nakagugulat kung isang araw ay maging sila nga.

Ang tanong, bet nga rin kaya ni Chie si Jake? Eh paano na ang Fil-Am basketball player na si Simon Enciso na namataang kasama noon ni Chie habang nanonood ng basketball game.

"Best player of the Game Simon Enciso with Chie Filomeno," saad sa caption ng Facebook page na "We Are Pba Updates." Kalakip ng post ang litrato nilang dalawa habang magkatabi sa upuan.

Naiulat din ito sa showbiz/entertainment site na Fashion Pulis. Tanong ngayon ng mga netizen, nagde-date na ba sila? Anong "real score" sa pagitan nilang dalawa?