Isang lalaking kinilalang No. 8 most wanted person ng Taguig police ang inaresto sa kanyang tirahan sa Pasig.

Ang mga pinagsamang operatiba ng Warrant and Subpoena Unit ng Taguig police at 6th Mobile Force Company ng Regional Mobile Force Battalion sa ilalim ng National Capital Region Police Office ang nagsilbi ng warrant of arrest kay Remar Rivas, 40, sa Barangay Pinagbuhatan, Pasig nitong Mayo 6.

Si Rivas ay nakalista bilang No. 8 most wanted person para sa Mayo ng Taguig police. Ang kanyang warrant of arrest ay para sa kasong kriminal dahil sa paglabag sa Republic Act (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) na inisyu ni Judge Marivic Cudilla Vitor ng Taguig Regional Trial Court Branch 266 noong Abril 13.

Itinurn-over siya sa custodial facility ng Taguig police habang nakabinbin ang paglalabas ng commitment order mula sa korte.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Jonathan Hicap