Kabilang sa 3,992 na pumasa sa 2022 Bar Exams ang aktres at singer na si Tippy Dos Santos, na siyang inanunsyo ng Supreme Court, Biyernes, Abril 14.

Sa Instagram post ng asawa ni Tippy, sinabi nitong hindi niya pinagdudahan ang misis na ito ay makakapasa.

“Called it. Congratulations my love! No doubt since day one! Nowhere but up, and I am excited for what's in store for you,” lahad ni Miguel Porcuna sa post nito na makikita rin mismo sa IG account ni Tippy.

Eleksyon

Ex-Pres. Rodrigo Duterte, tatakbong mayor sa Davao City; ayaw tumakbong senador?

Masaya rin ang nanay ni Tippy, kung saan inihayag nito sa Facebook ang pagka-proud nito sa kaniyang anak.

Bumuhos naman ang mensahe ng pagbati para kay Tippy na siyang inire-repost nito sa kaniyang Instagram stories.

Matatandaang si Tippy ang kasama ni Sam Concepcion sa hit song na “Dati” na inilabas taong 2014.