Bumaba sa 7.6 porsyento ang inflation rate nitong nakaraang buwan, ayon sa pahayag ng Philippine Statistics Authority (PSA).

Nitong nakaraang Pebrero ay naitala ito sa 8.6 porsyento at 8.7 porsyento naman nitong Enero 2023.

Idinahilan ng PSA ang pagbaba ng presyo ng mga pagkain, katulad ng gulay at karne.

Ikinatwiran din ang pagbaba ng presyo ng gasolina at diesel sa sektor ng transportasyon, basic utilities katulad ng tubig at kuryente, gayundin ang presyo ng liquefied petroleum gas at kuryente.

National

Nancy Binay, nilinaw na 'di kaaway ang kapatid na si Abby: 'Pamilya pa rin kami!'

Tiniyak naman ng Presidential Communications Office, tuluy-tuloy pa rin ang pag-aksyon ng pamahalaan sa pagpapatupad ng mga programa at inisyatibo upang tugunan ang inflation at mapababa pa ito bago matapos ang taon.