Naging palaisipan sa netizens ang patikim ng couple na sina Kim Molina at Jerald Napoles sa kanilang social media accounts.

"#NEWBLESSING is coming! Abang abang sa aming mga post! 😍 Lablab, KimJe 🫶 #NewChapter #NewTeam," caption ng couple.

Marcoleta, pinigilang magtanong tungkol sa proposed ₱6.352-trillion 2025 nat'l budget

Hinuha naman ng mga netizen na magiging parents na ang dalawa.

Napuno naman ng pagbati ang comment section ng nasabing Facebook post.

Ilan din sa mga hula ng netizens if engagement ang tinutukoy ng dalawa dahil walong taon na rin silang mag-partner.

Matatandaan kasi na taong 2021 nang inamin ng dalawa na hindi pa sila handang magplanong magpakasal dahil hindi pa nila ito prayoridad.

Samantala, muling nagsama na naman ang couple para sa kanilang romantic comedy na “Girlfriend Na Pwede Na,” na pang-apat na screen team-up na nina Kim at Jerald.