Usap-usapan ngayon ang pansamantalang leave of absence ni "It's Showtime" host Karylle sa naturang noontime show upang magpokus sa isang proyekto: ang pagbida sa teatro.

Bibida sina Karylle at singer-actor-host na si Markki Stroem sa "The Sound of Music" musical play, ayon sa panayam ni ABS-CBN showbiz reporter MJ Felipe.

"Karylle and Markki Stroem both expressed excitement to be part of the Manila staging of 'The Sound of Music'."

"They both auditioned for their respective roles and to focus on her preparations, Karylle has already filed her leave from 'It's Showtime'," saad sa caption ng tweet ni MJ.

Marcoleta, pinigilang magtanong tungkol sa proposed ₱6.352-trillion 2025 nat'l budget

https://twitter.com/mjfelipe/status/1626462189195509760

“I already filed my leave but for the rest of the cast di ko pa nae-explain yung demands ng show,” pahayag ni Karylle.

Nauntag naman siya ni Felipe na baka mabahiran na naman ng isyu ang pansamantalang pag-alis niya sa Showtime dahil nga sa mga nangyaring intriga ng netizens tungkol sa kanila ni Unkabogable Phenomenal Star Vice Ganda.

“Ganoon talaga. I think maiintindihan din ng madlang people because yun nga, umpisa pa lang, alam na nilang nag-audition ka, so ngayon na in-announce alam mo ang daming nagri-reply sa social media, nagulat nga ako, parang grabe yung excitement… sa mga Pilipino talaga, alam naman nating mahal na mahal nila si Maria at ang mga Von Trapp."