Limang miyembro ng Abu Sayyaf Group (ASG) ang sumuko sa pulisya sa Basilan kamakailan.

Kabilang sa mga nagbalik-loob sa gobyerno sina Farhat Kang Palluh, Amil Palluh, Merham Hasalal Palluh, Basri Tukul at Omar Hajubain, pawang taga-Barangay Bohe Suyak, Ungkaya Pukan, Basilan.

Binanggit ni Col. Richard Verceles, operations chief ng Area Police Command-Western Mindanao, ang limang bandido ay tauhan ni ASGBasilan-based leader Pasil Bayali.

Natuloy ang pagsuko ng limang bandido matapos silang kumbinsihin ng pamunuan ng 64th Infantry Battalion ng Philippine Army (PA) nitong Huwebes.

Probinsya

64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar

Dinala muna saUngkaya Pukan Rural Health Unit ang mga bandido upang sumailalim sa medical examination.

Philippine News Agency