Hinirang na ang top three performing contestants ng "Drag Den Philippines" season 1.

Sa katatapos lang na episode six, na inere kagabi, Enero 12, pinangalanan sina Naia, Shewarma, at Maria Cristina o MC bilang Top 3 drag queens ng unang season naturang reality competition television series.

Ito ay matapos ma-tally ang scores ng performances ng drag queens sa naunang anim na episode.

Narito naman ang buong listahan ng ranking ng mga drag queens:

Eleksyon

Ex-Pres. Rodrigo Duterte, tatakbong mayor sa Davao City; ayaw tumakbong senador?

Ika-4: Barbie-Q - 90.2%

Ika-5: Lady Gagita - 90.14%

Ika-6: Aries Night - 87.53%

Ika-7: O-A - 87.43%

Ika-8: Pura Luka Vega - 87.2%.

Bago ianunsyo ang rankings, ang mga reyna ay naatasang gumawa ng talumpati tungkol sa kanilang mga adbokasiya at gumawa ng placard para sa kanilang theme wear.

https://twitter.com/dragdenph/status/1613504969545777152?s=20&t=Sd3nB4j8Tc_JhJC6qTZrMA

Nanguna sa naturang round sina Aries Night at Barbie, na sinundan nina Naia at Shewarma sa pangalawa at pangatlong puwesto, ayon sa pagkakasunod.

Sa kabila ng dagdag na oras para sa talumpati, pumangapat ang O-A, na sinundan nina Lady Gagita, Maria Cristina, at Pura Luka Vega.

Pagkatapos ng lipsync battle, inihayag ang mga score para sa mga nabigong makapasok sa Top 3.

Gayunpaman, hindi pa ibinunyag ng Drag Lord na si Manila Luzon kung paano matutukoy ang unang drag supreme.