Hindi na raw mag-ooverthink ang mga netizen dahil nakakuha umano sila ng assurance mula sa TikTok video ng aktres na si Sofia Andres na kung saan mapapanood ang compilation ng ilang video clips kasama ang anak na si Zoe at partner na si Daniel Miranda.

National

2 taga-Laguna na parehong nanalo sa magkahiwalay na Lotto 6/42 draw, kumubra na ng premyo

Gayunman, bago ipost ni Sofia ang naturang video nitong Sabado, Enero 7, ay tila binasag na rin ni Daniel ang katahimikan hinggil sa umuusbong na balita na hiwalay na sila ng aktres.

“Through thick and thin, I love you both very much,” saad ni Daniel sa kaniyang IG story nitong Huwebes, Enero 5.

BASAHIN: https://balita.net.ph/2023/01/06/hindi-pa-hiwalay-daniel-miranda-kay-sofia-andres-at-sa-anak-na-si-zoe-through-thick-and-thin/

Matatandaang naging palaisipan sa mga netizenkung bakit wala si Sofia sa litratong ibinahagi ni Daniel sa kaniyang IG account noong Pasko. Ang makikita lamang na kasama niya rito ay ang anak nilang si Zoe, at isang malaking Christmas tree sa kanilang likuran bilang background.

Sa IG naman ng aktres na kasama sa cast ng “The Iron Heart”, kapansin-pansing si Zoe lamang ang kaniyang ipinakita sa pic at ilang Christmas decors at centerpiece sa mesa.

BASAHIN:https://balita.net.ph/2022/12/25/sofia-andres-inunfollow-ang-jowang-si-daniel-miranda-may-hiwalay-na-pics-kasama-ang-anak-na-si-zoe/

Hinuha tuloy ng mga netizen baka katulad din ito ng mga naghiwalay na showbiz couple na sina Markus Paterson at Janella Salvador at McCoy de Leon at Elisse Joson.

Samantala, umani ng positibong komento ang TikTok video ni Sofia dahil  matatahimik na umano ang isipan ng mga netizen dahil sa assurance na dala raw ng video.

"salamat po sa pagbibigay sa amin ng assurance."

"okay Sofia nawala na pagooverthink ko😂 diko na kayo sstalk sa insta araw araw hahahaha"

"ako po mag dedesisyon , wag kayong maghiwalay utang na loob 😂🥰"

"Ang Ganda ng pamilyang ito. at sana Walang nilalang magbabalak na sirain ito. God bless your family Po."

"dto nlang ako kumakapit at kina cong tv"

"huwag kayo maghihiwalay pleaseeee"

"WALANG MAG HIHIWALAY SA PAMILYANG TO, SALAMAT SA PAKALMA MO"

"jusko na stress pa ako sainyo kaka stalk🤧 well, stay strong happy fam"

"Makakatulog na kami ng mahimbing salamat po hahahaha"

"wag kayo maghihiwalay, please! 🥰 wala pa kayong boy version ni zoe😅🥰"

"Salamat po sa assurance HAHAHA"

"We know what, sobrang iyak ko sa rumor na hiwalay na sila😭😭😭 thank you for sharing this to us❤️😭"

"okay sila guys wag kayo mag overthink ahahahahaha"

"You can see in daniel that he's a good man and loves his family so much so I highly doubt that he'll do something stupid to ruin his family"

"Sa wakas nakahinga din ng maluwag"