Maraming netizen ang umiintriga ngayon sa relasyon ng premyadong aktor at aktres na sina Edu Manzano at Cherry Pie Picache na on the rocks na raw, dahil hindi na napagkikita ang mga litrato o video nila ng isa't isa, sa kani-kanilang mga social media accounts.

Sigaw ng taumbayan, hiwalay na ba sila?

Binasag ng love birds ang mga espekulasyong break na sila matapos nilang ibahagi sa kani-kanilang social media ang latest updates sa kanilang dalawa.

Sa Instagram account ni Cherry Pie, makikitang kasama niya si Edu sa bahay ng kaniyang kaanak sa New Zealand.

Doc Willie Ong, na-touch sa mensahe ni VP Sara sa kaniya

Si Edu naman, ibinahagi ang mga litrato nila ni Cherry Pie kasama si Cavite Governor Jonvic Remulla.

"Had a fun Saturday night w/ good food and music at the newly-opened @Pat&Pat QC. Maraming salamat Gov. Jonvic Remulla @jonvicremulla Mr. & Mrs. Pato and Marichelle Gregorio and the gorgeous Ms. @yescppicache Pie Picache. Perfectly chill evening," saad ni Edu sa kaniyang caption.

"Thank you good looking," sey naman ni Cherry Pie.

Nagsimula ang relasyon nina Edu at Cherry Pie sa set ng "Marry Me Marry You" noong 2021.

Biro ni Luis Manzano, anak nina Edu at Star For All Seasons Vilma Santos, kung magkakaroon ulit ng prangkisa ang ABS-CBN, baka sila raw ang titibag sa sikat na tambalang "KathNiel" nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.