Camp Francisco S. Macabulos, Tarlac City -- Arestado ang Top 7 Most Wanted Person ng Police Regional Office 3-Regional Level at Top 3 Most Wanted person ng Tarlac City sa Brgy. San Saturnino, Borongan City, Eastern Samar. 

Ayon sa ulat ng PRO3 nitong Sabado, nahuli sa isinagawang manhunt operation si Arnel Norombaba, 44, tubong Eastern Samar at residente ng Brgy. Tibagan, Tarlac City na kinilala bilang op 7 Most Wanted Person-PRO3 Regional Level at Top 3 Most Wanted Person-Provincial Level.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Inaresto ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Judge Allene Torres Peña ng RTC Branch 110, Tarlac City para sa kasong "Syndicated Illegal Recruitment" sa ilalim ng Criminal case No. 13436-2022 September 2, 2022 na walang inirerekomendang piyansa.

Kasalukuyang nasa ilalim na ng kustodiya ng CIDG PFU-Tarlac si Norombaba.