Muling nagpakasal ang mag-asawang sina Derek Ramsay at Ellen Adarna habang nasa bansang Peru, upang ipagdiwang ang kanilang first wedding anniversary.

"Today, we got married again ❤️ @ramsayderek07 11.11," ani Ellen sa kaniyang caption sa Instagram post.

View this post on Instagram

A post shared by Ellen Adarna Ramsay (@maria.elena.adarna)

National

PBBM sa National Teacher's Day: 'I wish you a joyful and productive celebration'

Ginawa ang kanilang kasal sa pamamagitan ng tradisyonal na Peruvian despacho ceremony.

Nagpaabot naman ng pagbati ang mga kaibigan sa showbiz gaya nina Yam Concepcion, Anthony Pangilinan, at Vina Morales.

Naganap ang kanilang unang kasal sa Pilipinas noong Nobyembre 11 sa Rancho Bernardo sa Bataan.

Sa isang Instagram post, sinabi ni Ellen na pinakasalan niya ang lalaking pinapangarap at pinagdasal niya.

"Last night, I married the man of my dreams, affirmations and prayers," caption niya.

Matatandaang noong 2019 at 2020 ay napabalita ang pakikipaghiwalay nila sa kani-kanilang mga karelasyon; si Derek kay Andrea Torres at si Ellen naman ay kay John Lloyd Cruz.

Pagpasok ng 2021, marami ang nakakitang magkasama sina Ellen at Derek sa mga pa-dinner sa bahay ni Derek at magmula noon, nagkakasama na sila ni Ellen maging sa pagwo-workout. Buwan ng Pebrero nang kumpirmahin nila ang kanilang relasyon.

Inamin nila na kahit isang buwan pa lamang ang kanilang pag-iibigan, pakiramdam daw nila ay isang taon na ang nilalakad ng kanilang relasyon. Talagang nagkaroon ng 'magic' at 'spark' sa kanilang dalawa, na nagsimula naman bilang magkaibigan.

Hindi naging 'smooth-sailing' ang relasyon ng dalawa lalo't kahihiwalay nga lamang nila sa kani-kanilang mga ex, kaya marami ang humusga sa kanila na hindi rin magtatagal ang kanilang relasyon.

Ngunit sa buwan ng Marso, muling nagulat ang mga netizens sa balitang engaged na sila. Doon na nagsimulang sundan ng mga followers at bashers ang kanilang mga sweet moments na ibinabahagi nila sa kani-kanilang mga social media accounts.

Buwan ng Oktubre ay isinagawa ang pamamahagi ng kanilang mga wedding invitations at ang paglabas ng kanilang prenup photos. At nitong Nobyembre nga ay ikinasal na sila.