Matapos maglabas ng kaniyang sentimyento ang misis na si Asia's Songbird Regine Velasquez-Alcasid, si Ogie Alcasid naman ang nagpakawala ng kaniyang tweet pahinggil sa "angry people".

Ayon sa kaniyang tweet nitong Miyerkules, Oktubre 6, ipagdarasal na lamang niyang magkaroon ng kapayapaan sa kanilang puso ang mga taong laging galit.

"There are a lot of angry people around. I pray that their anger subsides so that real peace will reign in their hearts. The world is much too toxic and we all need relief from it. Spreading GV this am. Love to all."

National

PAOCC Usec. Cruz, inaming may lumapit sa kaniya para tulungan si Alice Guo

https://twitter.com/ogiealcasid/status/1577841749006827520

Hindi naman binanggit ni Ogie ang kaniyang "hugot" o kung bakit niya ito sinabi, subalit marami sa mga netizen ang naniniwalang may kaugnayan ito sa tweet ni Ate Reg tungkol sa mga "taong mapagpangga" na kunwari ay may care sa kaniya, pero deep inside, gustong mag-fail ang relasyon nilang mag-asawa.

"By the way nakakapagod na yung mga taong nagpapangap na 'we care about her' and yet continues to wish my relationship with MY HUSBAND to fail 😱 I don’t understand anymore. Well I guess block kiti block na lang ako. Hay," tweet ni Regine nitong Huwebes, Oktubre 6 ng umaga.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/10/06/regine-pagod-na-sa-mga-taong-mapagpanggap/">https://balita.net.ph/2022/10/06/regine-pagod-na-sa-mga-taong-mapagpanggap/

Matatandaang nabalot ng kontrobersiya ang pagsasama nina Regine at Ogie, na napababalita noon na may relasyon.

Taong 2007 nang aminin ni Ogie na in a relationship na sila ni Regine at hiwalay na sila ng misis na si Michelle Van Eimeren. Bagama't ganito ang nangyari, nananatili naman daw silang magkakaibigan.