Hindi tatama sa alinmang bahagi ng bansa ang bagyong 'Inday' na kumikilos pa rin sa bahagi ng Philippine Sea, ayon sa pahayag ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) nitong Biyernes.

Sa abiso ng PAGASA, huling namataan ang sentro ng bagyo 800 kilometro sa silangan ng Aparri, Cagayan dala ang hanging 956 kilometers per hour (kph) malapit sa gitna.

Mararanasan din ang bugso ng bagyo na hanggang 115 kph, ayon sa ahensya.

"Further intensification is forecast to occur until Sunday or early Monday as Inday tracks northwestward over the Philippine Sea," ayon sa PAGASA.

Probinsya

64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar

Gayunman, sinabi ni weather forecaster Raymond Ordinario ng PAGASA, mararanasan ang pag-ulan sa Bicol region, Quezon at sa mga lalawigan ng Samar dulot ng trough o extension ng bagyo.

Kumikilos aniya ang bagyo pa-hilagang kanluran sa bilis na 20 kph at hindi nakikitang tatama sa alinmang parte ng Pilipinas.

Kung hindi magbabago ang tinatahak ng bagyo, lalabas ito sa Philippine area of responsibility (PAR) sa Martes o Miyerkules.