Dinampot ng mga tauhan ng Pampanga Police ang 75 katao matapos silang mahuli sa aktong nagtutupada sa Barangay Lagundi, Mexico, nitong Linggo ng umaga.

Under custody na ng Mexico Municipal Police ang mga naaresto na hindi na isinapubliko ang pagkakakilanlan.

Sa police report, nakatanggap ng impormasyon ang pulisya kaugnay ng iligal na sabong (tupada) sa Barangay Lagundi.

Kaagad na nagresponde ang mga pulis at inaresto ang mga sabungero.

Probinsya

72-anyos, pinalo ng dumbbell sa ulo ng kaniyang misis na may mental disorder

Nasamsam sa mga ito angP52,000 na taya, mga gamit sa sabong at mga panabong na manok.

Inihahanda na ng pulisya ang kasong paglabag sa Presidential Decree 1602 (illegal gambling law).