Nasa kustodiya na ng mga awtoridad ang suspek sa umano'y panggagahasa at pamamaslang sa isang 22-anyos na estudyante sa Bacacay, Albay nitong Hunyo 6.

Kinilala ni Bacacay Police chief, Maj. Irvin Bellen, ang suspek na si  Ariel Marbella, 24, taga-Barangay Hindi, Bacacay.

Sinabi ni Bellen, naaresto ang suspek sa mabundok na bahagi ng kanilang lugar nitong Miyerkules ng hapon sa tulong na rin ng mga residente.

Noong 2019, sinampahan umano si Marbella ng kasong robbery. Gayunman, nakalaya ito matapos makipag-areglo ang complainant.

Probinsya

PCG personnel, kasama sa mga nasawing biktima sa SCTEX road crash; naulila ang 2-anyos na anak

Naiulat na positibong kinilala ng mga testigo ang suspek.

Matatandaang natagpuan ang bangkay ng biktima sa masukal na lugar sa bahagi ng Purok 3.

Sinabi ng pamilya ng biktima na magtatapos na sana ito ng pag-aaral bilang cum laude sa kursong accountancy sa Hulyo 7.

Inihahanda na ng pulisya ang kasong rape with homicide laban sa suspek.