TUGUEGARAO CITY, Cagayan - Patay ang isang 7-anyos na lalaki matapos madurog ng isang concrete mixer na hindi sinasadyang pinagana ng mga kalaro nito sa Ugac Sur ng nasabing lungsod nitong Miyerkules ng hapon.

Sa ulat na natanggap ng Cagayan Provincial Police Office, nakilala ang nasawi na si Jasper Canap, taga-Lecaros Extension, Ugac Sur.

Sa paunang report ng pulisya, nagkayayaan ang grupo ni Canap na maglaro sa Kim Hollow Block compound dakong 2:00 ng hapon.

Nang nasa loob ng concrete mixer si Canap aybiglang pinagana ang switch nito na nagresulta sa pagkadurogng bata.

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

Sinabi na naman ni Police Staff Sgt. JosephusGaspar, may hawak ng kaso, sumabog ang mata ni Canap dahil na rin sa tindi ng pinsala nito sa katawan.

Aniya, kasama sa kalaro at kaibigan ni Cacap sinaAljon Dave Tumaliuan, 14; Summer Krent Balubal; Mc Deyvin Atara, 8; Aeron Fulig, 10; JohnLoydBulaqui, 7; Richard Banguilan, 11; at Richmond Banguilan, 11, pawang taga-Lecaros Extension.

Gayunman, wala aniyang umaaminsa mga ito kung sino ang nag-switch sa nasabing mixer machine.

Idinagdag pa ni Gaspar na 2021 pa nang matengga ang mixer machine bunsod na rin ng pandemya.