Ipinahiya ni Orlando Johnson ang dating koponang Barangay Ginebra matapos nilang talunin ito, 110-102 sa kanilang laro sa PBA Governors' Cup sa Smart-Araneta Coliseum nitong Linggo ng gabi.

Ipinatikim ni Johnson ang bagsik nito laban sa Gin Kings nang makaipon ng 31 puntos na nagbigay sa kanila ng kartadang 4-3 panalo-talo.

Kahit ang kakamping si CJ Perez na kumana ng 23 puntos ay hindi rin napigilan ng Ginebra na nabaon na sa 3-4 panalo-talo.

Nasayang din ang 40 points ni Justin Brownlee nang hindi nito maiahon sa pagkapanalo ang kanyang koponan na nakalasap ng sunud-sunod na pagkabigo mula pa nang talunin sila ng Magnolia nitong nakaraang Araw ng Pasko.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

“I’m happy to see him now playing the expectation we are looking for from him. Nag-take charge siya,” sambitni San Miguel coach Leo Austria na ang tinutukoy ay si Johnson.