Binomba umano ng mga hindi nakikilalang lalaki ang isa sa tower ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) sa Lanao del Sur nitong Huwebes.

Sa kanilang Facebook post, binanggit ng NGCP na partikular na pinasabugan ang Tower No. 65 ng Agus 2-Kibawe 138kV line na nasa Maguing ng naturang lalawigan.

Paglilinaw ng NGCP, hindi nakakabit ang nasabing transmission line segment mula sa pinagkukunan ng elektrisidad mula pa nitong nakaraang Setyembre matapos masabotahe ang mga insulators nito ng mga hindi nakikilalang indibidwal.

Paglilinaw ng NGCP, kaagad nilang kukumpinihin ang nasirang tower kapag naging maayos na ang sitwasyon sa lugar.

Probinsya

NCIP, nagsalita na tungkol sa Mt. Pinatubo trail incident

Bonita Ermac