Dalawa ang patay habang dalawa pa ang nasugatan matapos maaksidente ang kanilang sinasakyang kotse nang sumalpok sa puno sa Las Piñas City nitong Miyerkules ng madaling araw.

Dead on arrival sa ospital sina Carl Jayson Sta Ana, 31, taga-Kawit, Cavite; at  Reynaldo Regalado Jr., 52, driver, at taga-24 Magnolia Street, Doña Manuela Subdivision, Pamplona Tres, Las Piñas City, sanhi ng tinamong matitinding pinsala sa katawan. 

Nasugatan naman ang dalawa pang pasahero na sina Rona Mae Glean, 25, at Ronald Regalado Glean Jr.,16, kapwa taga-Doña Manuela Subdivision, Pamplona Tres.

Sa ulat ni S/Sgt. Lemery Galang, may hawak ng kaso,naganap ang aksidente sa Alabang-Zapote Road, alapit sa Doña Cristeta Subd., Pamplona 1 sa nasabing lungsod, dakong 2:15 ng madaling araw .

Metro

Mayor Lacuna: Payout sa 203K seniors, malapit nang matapos

Sakay ang mga ito ng kotseng minamaneho ni Regalado nat binagbagtas ang naturang lugar nang sumalpok sa puno ang sasakyan.

Iniimbestigahan pa ng pulisya kung nakaidlip ang driver kaya sila naaksidente.

Bella Gamotea