Dagdag na proteksyon pa rin ang face shields laban sa nakaambang panganib ng Omicron variant ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa bansa.

Ito ang pagbibigay-diin ni Department of Health (DOH) Secretary Francisco Duque III nitong Lunes at sinabing ang mahalaga ngayon ay kung kailan papasok sa bansa ang nabanggit variant.

“Papasok iyan just as we have experienced with Alpha, Beta, Delta, among the more compelling variants of concern,” pahayag ni Duque kay Pangulong Rodrigo Duterte sa isinagawang pagpupulong ng mga miyembro ng Gabinete, kasama ang mga health experts nitong Lunes ng gabi.

Kailangan na lamang aniyang palawakin ang prevent, detect, isolate, treat and reintegrate (PDITR) strategy at binanggit ang tatlong major interventions na dapat sundin ng publiko.

National

VP Sara, hindi 'isang kaibigan' si PBBM; nagkakilala lang dahil sa eleksyon

Ang una ay pagpapatupad at pagsunod sa minimum public health standards (MPHS).

Paglilinaw ni Duque, dapat pa ring gamitin ang tinatawag na "3Cs" o closed spaces, crowded areas, at close contact settings na nauna nang ginamit sa sektor ng transportasyon matapos na magdagdag ng carrying capacities ng kanilang Public Utility Vehicles (PUVs).

“I think now with the threat of this Omicron variant it will be an added layer of protection that will really be good for the public,” dagdag pa nito.

Kamakailan, nadiskubre ang unang kaso ng Omicron sa South Africa kaya agad na naghigpit ang Philippine government sa pagpasok ng mga fully vaccinated na dayuhan.

Dhel Nazario