Dalawang pulis ang napatay nang pasabugan sila ng landmine ng grupo ng New People's Army (NPA) sa Gamay, Northern Samar nitong Sabado, Nobyembre 20.
Dead on the spot sina Patrolman Franklin Marquez at Jimmy Caraggayan dahil sa tinamong sugat ng shrapnels sa kanilang katawan.
Sa report ng pulisya, nirerespondehan lamang ng mga pulis ang sumbong ng Barangay Information Network kaugnay ng namataan na grupo ng mga rebelde sa lugar.
Pagdating ng grupo ng mga pulis sa Brgy. Lonoy, bigla na lamang sumambulat ang sinasakyan ng mga ito matapos pasabugan ng landmine ng mga rebelde.
Dahil dito, nakasagupa ng mga pulis na sumasailalim sa Special Action Force (SAF) Commando Course ang hindi pa mabatid na bilang ng mga rebelde na agad namang umatras.
Sugatan naman sa insidente sinaLt. Jay-ar Rimorin, Lt. Jayson Banganan, Staff Sgt. Cristobal Hen-Achan, at Pat. Ruben Ringor Jr.
PNA