Dahil sa patuloy na manhunt operation laban sa mga pinaghahanap ng batas, isang lalaking akusado sa panggagahasa ang naaresto sa Las Piñas City, nitong Oktubre 31.

Kinilala ni Southern Police District (SPD) chief, Brig. Gen. Jimili Macaraeg, ang inaresto na si Arnel Gabad,  45, taga-Barangay Elias Aldana, Las Piñas City.

Si Gabad ay tinaguriang Top 4 Most Wanted Person ng Las Piñas City Police.

Dakong 9:00 ng umaga nitong Linggo, sinalakay ng mga pulis ang bahay ni Gabad dala ang warrant of arrest na ipinalabas ng Morong, Rizal Regional Trial Court Branch 79 sa kasong rape.

Metro

Magpinsang paslit nagkayayaang maligo sa lawa, nalunod

Walang inirekomendang piyansa ang hukuman para sa pansamantalang kalayaan ni Gabad.

Bella Gamotea