TARLAC - Inaresto ng pulisya ang isang lalaking wanted sa kasong rape matapos matiyempuhan sa pinagtataguan nito sa Concepcion kamakailan.
Sa panayam, sinabi ni Concepcion Municipal Police chief, Lt. Col. Jim Tayag, hindi na nakapalag ang akusadong si Junie Canoy, 30, alyas Jun-Jun, matapos makorner sa hideout nito sa nasabing bayan.
Sa pahayag ng pulisya, dinakip si Canoy batay na rin sa warrant of arrest na ipinalabas ni Presiding Judge Francis William Espinola, ng Camiling, Tarlac Regional Trial Court Branch 68, sa kasong panggagahasa.
Nasa No. 2 rin umano si Canoy sa most wanted person sa naturang lugar, ayon pa sa pulisya.
Nasa kustodiya muna ng pulisya si Canoy dahil walang piyansa ang inirekomenda ng pulisya para sa pansamantalang kalayaan nito.
Leandro Alborote