Muntik nang hindi magising ang isang binata nang pasukinsa bahay at saksakin ng kanyang kapitbahay habang natutulog sa Malabon City.

Ginagamot sa Tondo Medical Center si Wilfredo Tumampil, 33, naninirahan sa Rizal Avenue, Bgy Taniong, matapos magtamo ng malalim na saksak sa dibdib.

Tumakas naman ang suspek na si John Paul Santos, nasa hustong gulang na nakilala ng mga witness na sina Lito Beltran at Belinda Espinosa.

Kwento ng dalawang saksi kay PSSg. Jeric Tindugan ng Station Investigation Unit (SIU)ng Malabon Police, nakita nila ang suspekna pumasok sa loob ng bahay ni Tumampil na noo'y himbing sa pagkakatulog.

National

Makabayan bloc, pinuna balak ni FPRRD na maging abogado ni VP Sara: 'Desperate political maneuver!'

Makalipas ang ilang minuto, lumabas si Santos na duguan at may bahid na ng dugo ang damit kaya minabuti ng dalawa na alamin ang pangyayari kaya pinuntahan nila si Tumampil na kung saan nakita ng mga ito na duguan at walang malay.

Dinala ng mga kapitbahay ang binata sa nasabing pagamutan habang pinaghahanap na ng mga pulis si Santos dala ang patalim na 11 pulgada ang sukat.

Inaalam na ni PSSg. Tindugan ang motibo tangkang pagpatay sa biktima.

Orly L. Barcala