Ibinahagi ng Kapuso comedian na si 'Super Tekla' ang kaniyang hindi malilimutang karanasan sa isang 24/7 na convenience store kung saan napagkamalan siyang shoplifter o magnanakaw.

Ayon sa kaniyang Facebook post nitong Oktubre 16, bumili umano siya sa 7-11 Convenience Store sa E. Rodriguez Road branch, nang matapos niyang bayaran ang mga binili ay harangin siya ng sales lady upang kapkapan.

"Mistaken identity 711 E ROAD BRANCH I BUY SOMETHING HINARANG AKO NG SALES LADY AFTER KO MABAYARAN YUNG BINILI KO, MAY KINUHA DAW AKUNG ITEM SABI KO ARE YOU SURE ATE NAPAHIYA AKO DAMING TAO SABI NYA KAPKAPAN DAW DAW AKO THEN SABI GO AHEAD," aniya.

Tsika at Intriga

'Magkagalit sila?' Dennis, Ruru 'di raw nagpansinan sa set ng 'Green Bones'

Super Tekla (Larawan mula sa Manila Bulletin)

Marami umano ang nakasaksi sa pagkapkap ng sales lady sa kaniya, kahit na ipinakita na niya ang resibo. Nang mga panahong iyon ay nakasuot ang kaniyang face mask kaya hindi siya nakilala. Kaya nang ibaba niya ang face mask, laking-gulat ng sales lady nang mamukhaan siya. Napaiyak umano ang sales lady dahil sa pambibintang na kaniyang ginawa kay Super Tekla.

"WALANG NAKITA SA AKIN PINA CHECK KO ANG RESIBO KO KUMPLETO BAYAD AT YUNG BINILI KO BINABA KO YUNG MASK KO NA RECOGNIZE NYA AKO SI TEKLAH ATE KINAPKAPAN AT BINAGBINTANGAN MO AKO ATE TAPOS NGAYON IIYAK KA AT NAGSOSORY DAHIL NAGKAMALI KA GANUN LANG KADALI YUN."

Nais mang ireklamo ni Super Tekla ang sales lady, pinalampas na lamang niya ito dahil alam niyang mahirap humanap ng trabaho ngayon sa panahon ng pandemya. Pinaalalahanan na lamang niya ito na huwag na ulit uuliting manghusga ng mga shoppers batay sa panlabas nitong kaanyuan, na siyang nangyari sa kaniya.

"SABI KO SA KANYA ANG SWERTY MO ATE MABAIT AT MAUNAWAIN AKO KUNG SA IBA YUN MAY PAGLALAGYAN KA CGE ATE PALALAGPASIN KO ITO SWERTY MO SAKIN KA NATAPAT KUNG SA IBA BAKA NATANGGAL KANA LESSON LEARN WAG MANGHUSGA SA PANLABAS NA ANYO SIGURADUHIN MONG TAMA ANG GINAGAWA MO."

"IMBES NA MAGALIT AKO AWA NANAIG SA PUSO KO DI BIRO YUNG PAGBINTANGAN KA MANANAKAW PERO SABI KO KUNG SUSUNDIN KO ANG GALIT KO TANGGAL SYA SA WORK INISIP KO NALNG YUNG GOOD SIDE…"

"SABI KO SA INYO IN REAL LIFE NAPAGBIBINTANGAN AKO AYUN ABOT LANGIT PASALAMAT NI ATE INISIP KO RIN MARAMING UMAASA SA KANYA MAS MAINAM ANG MAGPATAWAD AT UNAWA MINSAN SA SITWASYON SHARE KO LNG SA INYO KAKATAWA PERO SAD REALITY."

Si Super Tekla ay co-host ni Boobay sa 'The Boobay and Tekla Show' o TBATS.