Daan-daang turista ang dumagsa sa muling pagbubukas ng Manila Bay dolomite beach sa Maynila, nitong Linggo ng umaga.

Sinamantala ng mga namamasyal ang matinding sikat ng araw upang libutin ang kabuuang ng nasabing beach na bukas sa publiko hanggang 5:00 ng hapon.

Ayon sa mga pamilyang bumisita sa lugar, hindi maitago ng kanilang mga anak ang tuwa nang magtampisaw sila sa 'white sand' na isinara muna ng pamahalaan nang magkaroon ng pandemya ng coronavirus disease 2019 sa Pilipinas.

Matatandaang naging kontrobersyal ang nasabing beach matapos umaning batikos sa publiko nang gastusan ng milyun-milyong piso ng gobyerno sa kabila ng kinakaharap na pandemya sa bansa.

Eleksyon

Kabataan Party-list, itutulak pagpapatalsik kay VP Sara