Halos umabot na sa 40,500 na pulis ang nahawaan ng coronavirus disease 2019 (COVID-19), ayon sa isang opisyal ng Philippine National Police (PNP).

Sa datos ng PNP, nakapagtala pa sila ng 1,786 bagong kaso ng sakit kamakailan, ayon kayPNP deputy chief for administration, Lt. Gen. Joselito Vera Cruz, nitong Miyerkules.

Isa aniya sa nabanggit na bilang ang binawian ng buhay habang at tatlo rin ang naiulat na "severe" o malubha na ang kalagayan.

"Total reinfections namin is 1,786 since the start of the pandemic.Konti lang angreinfectionssareported daily casesnamin atmajoritydito aynew cases," pahayag ni Vera Cruz na siyang ring hepe ng PNP Administrative Support for Covid-19 Task Force (ASCOTF).

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Sa kasaluuyan, aabot na sa ang 40,463 confirmed Covid-19 cases ng PNP, kabilang ang 38,561 recoveries, 1,783 active cases, at 119 kabuuang namatay.

PNA