Nasa "protective custody" na ng Kamara ang naiulat na nawawala na siPharmally PharmaceuticalCorporation executive Krizle Grace Mago.

Ito ay matapos lumantad sa tanggapan ng sergeant-of-arms ng House of Representatives na si Mao Aplasca sa Batasan Pambansa Complex sa Quezon City, nitong nitong Biyernes, Oktubre 1, dakong 6:30 ng gabi.

Ayon kay sa tanggapan ni Aplasca, mag-isa lamang si Mago nang magtungo ito sa Kamara. Nag-Grab lamang umano ito.

Ang paglantadni Mago ay ibinunyag niDIWA Partylist Rep. Michael Aglipay, chairman ng House Committee on Good Government and Public Accountability.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Sinabi ni Aglipay na bago maganap ang paglantad ni Mago sa Kamara, nakipag-ugnayan muna ito kaySpeaker Lord Allan Velasco upang magpatulong.

Nauna nang naglabas ng subpoena sina Aglipay at Velasco na nag-oobligakay Mago na dumalo sa pagdinig ng Kamara kaugnay ng umano'y overpriced na face mask, face shields at iba pang medical supplies na binili ng pamahalaan sa Pharmally.

Ipinaliwanag ni Aglipay, ipinaalam na nila kaySenator Richard Gordon, chairman ng Senate Committee on Good Government, na nasa kustodiya na nila si Mago.

Paliwanag ni Aglipay, bago pa ang paglalantad ni Mago ay nagpadala na ito ng liham kay Velasco na humihiling na isailalim ito sa "protective custody" ng Kamara.

“Presently, I cannot speak freely about the ongoing investigation of the alleged overprice of medical equipmentwithout feeling threatened due to the undue influence and pressure being exerted from various sources," ang bahagi ng liham ni Mago.

“I feel that my life and liberty is in grave danger because of my coming out and my desire to speak the truth. Also now, I came across the information from the news that the police and NBI (National Bureau of Investigation) are tracking me down including my grandparent’s home in the province and took photos and videos without their consent,” sabi ni Mago.

Nauna nang dumalo si Mago sa pagdinig ngSenate Blue Ribbon Committee kamakailan at ibinunyag na inatasan siya ng opisyal ng Pharmally na baguhin ang 'expiry date' na idiniliber ng kumpanya sa pamahalaan.

Matapos ang pagtestigo nitong Setyembre 24, inalok na siya ng Senado na isailalim sa protective custody, gayunman, hindi na ito lumalantad at hindi rin sumasagot sa kanyang telepono.

Ben Rosario