Hindi isasama bilang overtime ang pagtatrabaho ng mga guro na lagpas sa araw ng kanilang pasok.

Ito ang paglilinaw ng Department of Education (DepEd) sa isinagawang virtual press briefing nitong Biyernes, Oktubre1.

“Overtime pay cannot be claimed on the days in excess of the 220 school days,” paliwanag ni DepEd Undersecretary Nepomuceno Malaluan.

Reaksyon ito ng opisyal sa panawagan ng Alliance of Concerned Teachers (ACT) Philippines na dapat maisama sa overtime work ng mga guro ang pagtatrabaho nila ng lagpas sa ipinatutupad na maximum 220 school days.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Bukod dito, inihirit ni ACT Secretary General Raymond Basilio na dagdagan din ng bayad ng DepEd na 25 porsyento ng kanilang suweldosa bawat araw ng kanilang pinagtrabahokatulad ng nakasaad sa Labor Code ng Pilipinas.

“The number of class days had been identified from the perspective of students, in terms of the needed class days for them to attain the required curriculum competencies intended for their grade levels,” tugon naman ni Malaluan.

Noong nakaraang Abril 12, pinadalhanna ng liham ng ACT angCivil Service Commission (CSC) kaugnay ng usapin. Kinabukasan, si DepEd Secretary Leonor Briones ang pinadalhan ng kahalintulad na liham.

Idinahilan ni Basilio sa kanilang panawagan ang pinahabang klase para sa school year 2020 hanggang 2021 simula Hunyo 1, 2020 hanggang Hulyo 10, 2021 "kung saan inoobliga ang mga guro na magtrabaho kahit lagpas sa 220 araw" alinsunod sa Republic Act 7797 na inamyendahanng Republic Act 11480.