Matunog ngayon ang usap-usapang si Maja Salvador ang pa-blind item na tinutukoy ng 'Eat Bulaga' hosts na sina Ryan Agoncillo at Jose Manalo na bago nilang makakasamang mahusay na aktres at mahusay pang dancer, para sa bago nilang segment. Nangyari ito noong sabado, Setyembre 25.

Pinagdidiinan din nila ang syllables na 'MA.'

“Isa sa pinakamahusay na aktres at isa sa pinakamahusay sa sayawan sa industriya ngayon," ani Ryan.

“Ibig sabihin mapapahanga ka, mapapanganga ka rin sa galing!," dagdag naman ni Jose, na may diin din sa 'MA'.

National

PBBM admin, nagsisilbing ‘totoong kalamidad’ sa ‘Pinas – Maza

“Mababaliw kayong lahat, hindi ninyo ine-expect na magbu-Bulaga iyan!" giit naman ni Ryan.

Lalo pang tumindi ang hula ng mga netizens dahil sa pamagat ng segment na ito, na 'Maximum Sayawan,' na ang initials ay MS, na initials din ni Maja Salvador.

Malayang gumawa ng kahit na anumang proyekto si Maja sa kahit na alinmang TV network dahil wala na siyang exclusive contract sa ABS-CBN, subalit marami sa kaniyang mga tagahanga ang umaasam pa rin na sana'y bumalik na sa kaniyang home network ang tinaguriang 'The Majasty.'

Kung matutuloy umano ang kaniyang pagiging Dabarkads, makakatapat niya ang kaibigan at dating nakahidwaang si Kim Chiu, na tinatawag namang 'Queen of the Dance Floor' sa ASAP Natin 'To.

May dalawang TV shows si Maja sa TV5; ito ay ang Niña Niño at POPinoy ng APT Entertainment. Wala pa namang kumpirmasyon mula sa T.A.P.E Inc., ang producer ng Eat Bulaga, kung totoo ang chikang ito.