Wala umanong issue sa isa’t isa sina Senador Christopher “Bong” Go at Presidential daughter Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio dahil sila ay magkaibigan.

“Nagkakausap kami ni Mayor Sara. Wala kaming isyu sa isa’t isa,” ani Go tungkol sa reklamo ni Mayor Sara nang madawit ang pangalan niya sa internal fight sa Partido Demokratikong Pilipino (PDP)-Laban party leadership.

‘’Kung anong pagmamahal ko sa tatay ganun din ang pagmamahal ko sa mga anak. Alam ni Pangulong Duterte yan,” pahayag ni Go.

‘’Nangako ako sa kanya na sasamahan ko siya habangbuhay. At isa sa mga ipinagbilin niya sa akin ay huwag ko pababayaan ang mga anak niya kung wala na siya sa mundong ito.” pagpupunto ni Go.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Matatandaang si Sara ang pinuno ng Hugpong ng Pagbabago (HNP), isang regional political party.

Si Go naman ay matagal nang pinagkakatiwalaan ni dating alkalde ng Davao na ngayon ay presidente Rodrigo Duterte.

Nagsilbing Special Assistant to PresidentDuterte si Go bago maging senador.

Mario Casayuran