Nagpositibo sa coronavirus disease (COVID-19) si Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso, ayon sa Manila Public Information Office (PIO) nitong Linggo, Agosto 15.

Sa isang Facebook post ng Manila PIO, dakong 6:50 ng gabi, papunta na umano si Moreno sa Sta. Ana Hospital.

“Nakararamdam ako ng kaunting ubo, kaunting sipon. Masakit ang aking katawan ngayon,” pahayag ng alkalde.

Samantala, tiniyak niya sa kanyang mga constituents na magpapatuloy ang operasyon ng pamahalaang lungsod sa gitna ng pandemya.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

“Kapit lang. Tuloy ang buhay. Tuloy pa rin ang gobyerno sa Maynila. Umasa tayo, magtiwala tayo sa Diyos, makararaos din tayo,” dagdag pa ng alkalde.

Jel Santos