Sa kulungan ang bagsak ng dalawang lalaki dahil umano sa paglalako ng iligal na droga sa Makati City nitong Lunes ng gabi.

Kinilala ni City Police Chief, Colonel Harold Depositar ang mga naarestong suspek na sina Kevin Dizer, alyas “Kevin,” 28, residente sa #076 Kalayaan, Bgy Pitogo Makati City; at Leman Gamboa, alyas “Eman,” 43, ng #316 Dinalaga St., East Bagong Barrio, Caloocan City.

Sa ulat na natanggap ng Southern Police District, nagsagawa ng buy-bust operation ang mga tauhan ng Station Investigation Section (SIS) at Station Drug Enforcement Unut (SDEU) sa pangunguna ni Lt. Mark Anthony Fariñas sa #076 Kalayaan, Bgy. Pitogo, Makati City na ikinaaresto ng dalawang suspek dakong 8:45 ng gabi ng Hulyo 19.

Binentahan umano ng mga suspek ng droga sa halagang P500 ang police poseur buyer sa lugar na sanhi ng kanilang pagkakaaresto.

Eleksyon

Kabataan Party-list, itutulak pagpapatalsik kay VP Sara

Nasamsam sa dalawang suspek ang limang pakete na naglalaman ng 8.2 gramo ng pinaniniwalaang shabu na nagkakahalaga ng P55,760 at P500 buy-bust money.

Sasampahan ng kasong Comprehensive Dangerous Dugs Act of 2002 ang mga suspek sa Makati Prosecutor's Office.

Bella Gamotea