Isang tatlong talampakan na monumento ng pambansang bayaning si Jose Rizal ang itatayo sa Alberta, Canada.

Sa pahayag nitong Huwebes, sinabi ng Department of Foreign Affairs na ang estatwa na inukit ni Filipino sculptor Toym Imao ay ilalagak sa Nose Creek Regional Park sa Airdrie, isang kilalang venue para sa Filipino community events. Ang installation ng monumento ay isang tribute sa lahat ng mga Pilipino sa Alberta.

“The Rizal Monument will be a tribute to all the hardworking Filipinos in Alberta, which hosts the second-largest Filipino population in Canada, and will be a source of pride for the whole Filipino community,” pahayag ni Philippine Consul General Zaldy Patron.

Unang iminugkahi ni Patron ang pagtatayo ng monumento sa Airdrie Mayor Peter Brown noong Hunyo 2019.

Human-Interest

Una at pinakabatang Pinoy na nakalibot sa buong mundo, may payo sa future travelers: 'Learn Skills!'

Kalaunan ay ipaprubahan ng Airdrie City Council ang mungkahi.

“We are very proud and pleased to announce our support for a community project that recognizes and celebrates Airdrie’s unique Filipino heritage,” ani Brown.

“The monument will make a welcome addition to our already beloved Nose Creek Regional Park,” dagdag pa niya.

Jaleen Ramos