CAGAYAN - Matapos mag-viral dahil sa pagsasayaw sa isang pagtitipon sa kanilang bayan nang walang facemask, pinagpapaliwanag ngayon ni Governor Manuel Mamba si Baggao Mayor Joan Dunuan sa loob ng 48 oras.
Dapat aniyang sumagot si Dunuan sa paglabag nito sa Omnibus Guidelines kaugnay ipinaiiral na community quarantine ng Inter-Agency Task Force upang maiwasan pa ang paglaganap ng coronavirus disease 2019
Sa viral video at litrato ni Dunuan, kitang-kita na bigay-todo ito sa pagsasayaw kahit walang suot na facemask nang dumalo sa isang pagtitipon sa bayan nito, kamakailan.
Pinagpapaliwanag din nito si Dunuan kung bakit nito pinahihintulutan na magkaroon ng pagtitipon sa lugar nito sa kabila ng hindi pagsunod sa ipinaiiral na social distancing at hindi pagsusuot ng facemask.
Pagdidiin pa ng gobernador, alam ng alkalde na bawat ang anumang social gatherings dahil nasa ilalim pa rin ng Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) ang lalawigan na sumasaklaw din sa Baggao na mayroong pagtaas ng COVID-19 cases.
Liezle Basa Iñigo