Tinanong kamakailan ni Marjorie Barretto ang kanyang mga anak, hinggil sa posibilidad na muli siyang magpakasal.

Well, hindi nila gusto ang ideya.

Sa isang vlog, ipinagdiwang ni Marjorie ang Mother’s Day kasama ang kanyang mga anak na sina Julia, Claudia, Leon, Erich, at Dani.

Nang ibigay ng kanyang panganay ang bouquet ng red roses, binuro siya ng kanyang unico ijo na para siyang ikakasal.

Blind Item

Tsinuging aktor sa serye nag-fly sung daw sa ibang bansa, may iniiwasang kaso?

Mabilis na sagot ni Marjorie,“No way.”

Mariring din ang eldest daughter niya kay Dennis Padilla na nagsabing: “Wag na!”

Sinundan ito ng pagtanong ni Marjorie ng: “Can I get married, Julia?”

Hindi sumagot si Julia at sumimangot lang.

“Okay na yan Ma,” sambit pa ni Dani, na sinang-ayunan ni Leon.

Gayunman, nilinaw ni Marjorie na ayaw rin naman niya.

“Ayoko mag-marry! Grabe kayo,” sagot nito sa mga anak.

Na sinundan niya ng, “…Pag nag-marry naman ako hindi na ako mag-anak. Medyo 47 na ako.”

Stephanie Bernardino