ni REMY UMEREZ

Sa May 17 na gaganapin ang 69th Miss Universe competition sa Seminole Hard Rock Hotel and Casino in Hollywood Florida USA at hindi pa man ay gumagawa na ng ingay ang pambato ng Pilipinas.

Pinag-uusapan ngayon ang photo shoots ni Miss Universe Philippines Rabiya Mateo. Pinag-uusapan ang kanyang photo shoots.

Bahagi ng pre-pageant activities, marami ang gumagaya sa kanyang paglakad. Gagawin ni Rabiya ang lahat ng posibleng gawin para mauwi muli ang korona sa bayan.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Filipina ang ina ng 24-year-old Ilongga at American-Indian ang kanyang ama. Sa kabila ng kahirapan ay naka-graduate si Rabiya ng Physical Therapy sa Iloilo Doctor's College. May nagdaang panahon naging mailap mapanalunan ang Miss Universe crown. Hanggang ngumiti ang kapalaran noong 2018 at 2015 sa pagkakapanalo ng beauty queens Catriona Gray at Pia Wurtzbach.