ni REMY UMEREZ

Kung isasa-libro ang buhay ni Empoy Marquez tiyak na nakalaan ang isang kabanata para sa pelikulang Kita Kita,' isang surprise hit at naglukluk kay Empoy sa pagiging ganap na bida ng pelikula na ipinorodyus ng Springfilms noong 2017.

Bago ang “Kita Kita” ay napasok ni Empoy ang halos lahat ng uri ng trabaho. Sayang nga naman ang kikitain dahil breadwinner siya ng pamilya.

Bida muli si Empoy sa TV5 seryeng Niña Niño. Tampok sina Maja Salvador at Noel Comia Jr. bilang magkapatid na pinagbintangan sa bagay na di nila ginawa. Pang one season lang serye na magwawakas sa June.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Nagawa na ni Empoy ang obligasyon niya sa pamilya at panahon na upang bigyan pansin ang sarili. “Mahirap maghanap ng syota dahil lockdown. Antay-antay na lang kapag may dumating,” ang tugon ng komedyante.