ni Light A. Nolasco

Dinakip ng mga awtoridad ang dalawa umanong bumisitang bagitong pulis na naka-assigned sa Metro Manila dahil sa 'indiscriminate firing' sa Barangay Calabasa, Gabaldon, Nueva Ecija nitong Sabado ng umaga.

Ang mga inaresto ay sina Lawrence Natividad, nakatalaga sa Manila Police District's Moriones PCP, residente ng Novaliches, Quezon City, at Patrolman Rephidim Orozco, ng NCRPO police force ng Tondo, Manila.

Sa report na nakarating kay PRO3 Director, Brig. Gen, Valeriano  De Leon, inaresto ang dalawang pulis matapos makatanggap ng si Bgy. Chairman Isagani Sibayan mula sa ilang residente hinggil sa pagpapaputok ng baril ng dalawang pulis nang walang 'provocation' sa nasabing  barangay dakong 10:30 ng umaga.

Probinsya

Lalaking kusa umanong tumalon sa kulungan ng buwaya, sinakmal!

Nakumpiska kay Natividad ang isang Pietro Berreta pistol, at isang cal. 9mm pistol naman mula kay Orozco, at narekober din sa lugar ang walong mga basyo ng bala.

Ayon kay PBGen. De Leon, nasa kostudya na ng Gabaldon Municipal Police Station ang dalawang pulis. Isasailalim sila sa  paraffin test habang inihahanda ang kasong administratibo at kriminal  laban sa kanila.