ni MARY ANN SANTIAGO

Tatlong lalaki ang nasugatan matapos tambangan at pagbabarilin ng dalawang suspek habang naglalakad pauwi sa Rodriguez, Rizal, kahapon ng madaling araw.

Nilalapatan na ng lunas sa East Avenue Medical Center ang mga biktimang nakilalang sina Laurence Villamor,Angelo Rovelo at Abu Rumasasa dahil sa mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Nakatakas naman at tinutugis na ng mga awtoridad ang mga itinuturong suspek sa krimen na nakilala lang sa mga alyas na ‘Bato’ at alyas ‘Golem’.

Eleksyon

Kabataan Party-list, itutulak pagpapatalsik kay VP Sara

Sa pagsisiyasat ng pulisya, insidente naganap sa Phase1E, Kasiglahan Village, Bgy. San Jose, dakong 2:30 ng madaling araw.

Pauwi na ang mga biktima na naglalakad sa nabanggit na lugar nang bigla silang pagbabarilin ng mga suspek.

Inaalam pa ng pulisya ang motibo sa pamamaril.