ni Leandro Alborote

TARLAC CITY- Nakatiklo ng mga pulis ang isang matinik na babaing pusher sa buy-bust operation na isinagawa sa Barangay Balete, Tarlac City kamakalawa ng hapon.

Kinilala ni Police Master Sergeant Benedick F. Soluta, may hawak ng kaso, ang suspek na si Jennifer Gonzales, 37, ng nasabing barangay at nasa drug watchlist ng pulisya.

Nagkunwang buyer si Police Senior Master Sergeant Egairy M. Gabriel at nakuha sa posisyon ng suspek ang isang transparent plastic sachet ng shabu kapalit ng P500 marked money.

Probinsya

Student-athlete, pumanaw matapos ang boxing match

Ang mga narekober na ebidensiya ay sinaksihan ng local media, mga barangay officials ng Balete, Tarlac City kinatawan ng Department of Justice (DOJ) na ngayo'y sinusuri sa Tarlac Provincial Crime Laboratory Office, Camp Macabulos, Tarlac City para sa kaukulang disposisyon.